National Fisheries Research and Development Institute Online Information System




Halina Sa Aming Tanggapan

by: Pluma
April 03, 2018

 Heto na naman ang kalikutan ng aking isipan,
Sa dami ng aking dapat pagdiskitahan.
Silang mga namumuno sa aming tanggapan,
Ang akin sa ngayo’y ibibida naman.

Kaya lapit na mga kasama at mga kasangga,
Pakinggan ang aking kuento at tula.
Mga sikat, kilala at matatalinong siyentista
Sa pananaliksik ng mga teknolohiya sa larangan ng pangisda.

Unahin ko lang itong isang batang-bata,
Sa tunog ng paglalakad alam mong siya ay parating na.
Si Doc Mudjie na bukod sa kanyang taglay na kaguapuhan,
Ay kilala sa bansa hinggil sa DNA na kaniyang larangan.

Astig na one-liner ba kamo aking kaibigan?
Si Doc Uly, tiyak marami siya niyan.
At kung heavy metals at food safety lang pag-uusapan,
Eksperto siya diyan, kaya huwag magdalawang-isip lapitan.

Si Maam Maris sa kabilang banda,
Bukod sa mukhang di marunong magalit sa kaopisina,
Pagpapaanak sa Maliputo’y napagtagumpayan niya,
At sila’y una niyang nakagawa, saan mang sulok ng ating bansa.

Pag-usapan naman natin ang mga halamang dagat,
Kay Ate Baby ka magtanong dapat.
Bagama’t sa akuwakultura na siya ngayo’y namumuno,
Linya pa din niya yan at masasagot niya ora mismo.

Ito namang si Ate Elsa ay napakatahimik,
Subalit huwag ka, dahil siya ay matinik.
Kung ikaw ay may mga katanungan,
Mga plankton at oseanograpiya, sa kaniya ay sisiw lang.

Pagpunta mo sa bandang kabisayaan,
NMFRDC sa Guiuan ay huwag kalimutang puntahan.
Magtanong sa pagpapalaki ng mga alimasag sa dagat
Si Ate Nonitz ay akin nang maituturing na alamat.

Kung sa katimugan ika’y mapadaan,
Andiyan ang NBFRDC sa Lala, iyong tunay na maaasahan.
Sa Panguil Bay nanaliksik sila sa isdang hito,
At si Ate Inday ang nangunguna nito.

Sino pa nga ba ang sa amin ay pinakasikat?
Kung hindi si Maam Drus na kilala ng lahat.
Sa dami ng kaniyang eksperiensya sa pangisda,
Pamumuno niya bilang aming direktor, nararapat lang talaga.

Marami pang iba at di ko na lahat babanggitin,
Dahil mahaba ang listahan kung aking iisa-isahin.
Halika na lang sa NFRDI na aming tanggapan,
At ng kawaning masisipag, iyong makilalang lubusan.

 

**NFRDI Strong :-)